Buhay nga naman! Lagi nalang may mga surpresa. Hindi mo alam kung anong susunod na mangyayari. Hindi aakalain na magagawa ko na yung mga hindi mo magawa dati. Parang kailang lang ay nag-uumpisa akong mag-sulat ng ABC pero nagyon naman ay gumagawa na ako ng mga pagkahabahabang mga term papers.
Lahat ng ginagawa natin sa buhay ay laging may consequence. Kapag gumawa ka ng isang desisyon, dapat handa ka na sa magiging kahihinatnan nito. Kapag nagsaya ka lamang buong tag-araw, matutulad ka kay tipaklong na namatay sa krisis ng tag-ulan. Pag nagaral ka ng mabuti ngayon, magkakaroon ka ng masaganang buhay, yung tipong may up-en-down, kotse, at malusog na pamilya.
Tao lang naman ako. May mga kahinaan din sa ibang bagay. Tulad ng karaniwang tao, nahihirapan, napapagod, natutukso, at natututo rin naman ako.
Akala ko nung bata pa ako, sa kolehiyo pa dapat gumawa ng mga malalalim na desisyon tulad na lamang ng pag-isip sa kinabukasan. Pero naituwid sa akin ng pagkakataon ang maling pilosppiya na ito.
...At sana, sa natitirang pagkakataong ito ay maitama ko ang mga pagkakamali ko
www.buhayirreg.blogspot.com
Naks! Nice one... :) Hindi pa naman huli ang lahat.
ReplyDeletehahah.....
ReplyDeletengayon ko lang nalaman na madrama ka rin pala, ahaha! tama si nilben hindi pa huli ang lahat kahit huli na tong comment ko. :D
ReplyDeleteokay lang yan... habang may buhay, may pag-asa. hahaa. naalala ko lang ung time na nag-shift at lumapit din ako ng school. :)))
ReplyDeletentagpuan ko tong blog mo through wattpad. hehe.